Got Lagalag Notebook 2 last week from Enzo. Below is my contribution to the Lagalag Project.
ika-12 ng Desyembre
Ngayong pasko, balak kong bigyan ang aking mga kaibigan ng mga litratong kuha ko. Habang tinitignan ko ang mga litrato sa aking compyuter, doon ko lang napansin na ang dami ko na palang nakunan.
Mahigit isang taon ko na rin palang nakakasama ang aking DSLR ngunit marami na kaming lugar na napicturan. Marami na ring mga nakasama o di kaya’y sinamahan sa iba’t ibang lakad. At sa mga lakad na ito’y marami na ring napangiting mga mukha. Ang iba’y mga kakilala tulad ng pamilya at mga kaibigan ko. Yung iba nama’y mga taong napadaan lamang sa aking online gallery.
Di ko lubos akalain na dahil sa camerang ito magagawa ko ang ilang mga bagay-bagay. Mapupuntahan ang iba’t ibang lugar na noo’y sa internet ko lang nakikita. Kung baga, ang daming kong mga “first time” na nagawa kasama ang aking camera. Sa simula pa lamang ng taong ito, ay nakipaggitgitan ako sa libo-libong taong nanood ng World Pyro Olympics upang makahanap ng maayos na pwesto para masetup ang aking tripod at camera.
Narating ko na ang mapulang bundok ng Mt. Maarat, Rizal at sumulong sa maputik na daan papuntang Boso-Boso, Rizal lulan ng isang 4×4 na sasakyan. Kay ganda ng mga tanawin doon. Sa Rizal din ang daan namin noong inikot namin ang mga bayang pumapalibot sa Laguna de Bay. Ilang makalumang simbahan ang aming nadaanan at ako’y namangha sa ganda ng kultura ng Laguna.
Ilang beses na rin akong gumising ng pagkaaga. Minsan ay noong nagshoot kami ng mga “hot air balloons” sa Clark, Pampanga. At nung isang beses naman ay nung hinabol namin ang unang sikat ng araw sa Tarlac. Oo nga pala. Di na pala ako natulog nung gabi bago kami umalis. Natakot kasi ako na baka di magising ng ganung kaaga o baka sobrang excited nga lang ba? ^_^ Buong araw kaming nag-ikot sa Tarlac kaya walang tulugan talaga sa biyahe. Muling naranasan ang ganitong biyahe nung sumama akong pumunta sa Ilocos Norte. 15hrs na biyahe sa gabu at wakabg tulugan dahil humihinto kami paminsan-minsan upang magshoot
Dumating kami sa Pagudpud ng tanghali na. Tulad nung lakad sa Tarlac, ako’y inantok din at pagod sa biyahe. Pero ramdam ko ang saya ng pagshoot at ang pagkamangha sa ganda ng tanawin.
Ito ay iilan lamang sa mga nagawa ko kasama ang aking camera. Pagkakataon ko na ring pasalamatan ang mga kaibigan ko na tumulong at sumuporta sa akin. Salamat kanila Ron Dagdag, Sherwin Reyes, Haya Benitez, Steven Huang at sa PinoyPhotography.Org. Laking tulong ang inyong inabot sa akin!
Salamat,
Zer
#—-
Marami na akong narating sa Luzon at dahil ito sa camera ko.
Sana malibot ko rin ang Mindanao, ang lupain kung san ako lumaki.








